Pagbisita namin ni misis sa makasaysayang Kakarong
Setyembre 1, 2019, Pandi, Bulacan. Bumisita kami ni misis sa makasaysayang Kakarong at naglitratuhan doon. Ang Kakarong ang sinasabing lugar kung saan itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas, bago pa ang Malolos. Kaysarap makarating at malakaran ang pook na iyong kayraming alaala ng kasaysayan.
Isinama ako roon ni misis dahil doon ang pagpupulong ng kanyang mga kasama sa adbokasyang pangkalikasan.
Ayon sa pananaliksik, "The Battle of Kakarong de Sili was fought on January 1, 1897, at Pandi, Bulacan, in the Philippines. The Kakarong Republic, based in the little fort in Pandi, was attacked by a force of Spaniards who massacred the Katipuneros there. At the end of the battle, General Eusebio Roque (also known as Maestrong Sebio and Dimabunggo) was captured by the Spaniards. The Kakarong republic was considered the first republic formed in Bulacan and in the Philippines." (mula sa Wikipedia)
"Ang Labanan sa Kakarong de Sili ay naganap noong Enero 1, 1897, sa Pandi, Bulacan, sa Pilipinas. Ang Republika ng Kakarong, na nakabase sa maliit na kuta sa Pandi, ay sinalakay ng isang puwersang Kastila na pumaslang sa mga Katipunero roon. Sa pagtatapos ng labanan, si Heneral Eusebio Roque (kilala rin bilang Maestrong Sebio at Dimabunggo) ay nabihag ng mga Kastila. Ang Republika ng Kakarong ay itinuturing na unang republika na nabuo sa Bulacan at sa Pilipinas."
09.01.2019















Walang komento:
Mag-post ng isang Komento