Maganda ang mensahe ng isang komik strip na nabasa ko kanina sa pahayagang Inquirer.
Ang komiks na "Divine Comedy" ni Steve Pabalinas, PDI, April 24, 2008, p.C2 ay may tatlong kahon kung saan sa bawat kahon ay naroon ang mensahe at drowing, at sa komiks strip kanina ay ito ang nakasulat:
Sa unang kahon: You won't see a rich man playing hueteng because hueteng is a "poor man's game."
Sa ikalawang kahon: You won't see a rich man with cholera because cholera is a "poor man's disease."
Sa ikatlong kahon naman ay ito: You won't see a rich man inside death row because death row is a "poor man's prison."
Enlightening ang mensahe at sumasalamin sa totoong nangyayari sa lipunan.
Totoong bihira ang mayayamang tumataya sa hueteng dahil maliitan lang naman ang tama dito, mas kasino pa ang pupuntahan ng mayaman kaysa tumaya sa hueteng.
Tiyak rin namang hindi iinom ng maruming tubig ang mayayaman, at ang mahihirap naman ay napipilitang uminom ng "malinis" na tubig, na pinanggagalingan ng kolera.
At may mayaman ba sa death row, hindi ba't pawang mahihirap ang naroon? Si Erap nga na guilty ang hatol at reclusion perpetua ang parusa ay pinatawad ng pangulo, at si Jalosjos na guilty rin sa rape ay ngayon ay nakalalaya na, sila'y pawang mayayaman, ang mga mahihirap na nasa death row ay kailan ba lalaya, ano pa ang mahihita natin sa klase ng hustisya sa bansa?
Kaya saludo ako sa komik strip ni Steve Pabalinas. Hindi ito simpleng joke, kundi isang pagmumulat, isang katotohanan sa lipunang itong dapat na mabago.
- greg

3 komento:
Correct ka jan!..pero huwag mo din kalilimutan..that you won't see a rich man in heaven because heaven is a place for God's people--a poor man!..tama ba un?...hehehehehhe
Ang ganda naman ng blogpost na ito.... Meron pang mga raliyista ganyan ang mga nagrarally nung araw taos at totoo sa puso ang ipinaglalaban hindi gaya ngayon puro bayaran at masaktan lang ng konti uuwi ng bahag ang buntot... Samantalang noon kahit buhay ibibigay makuha lang ang hangad na katwiran....Hay pati nagrarally nababayaran na 500 kada isang tao at malaki ang kita ng organizer... kaya wala tayong asenso eh....
totoo pong taos at totoo sa puso ang aming ipinaglalaban, dahil sa prinsipyo, para sa sosyalismo, buhay man ang ialay; at hindi tulad ng mga tinutukoy mong bayaran ng mga trapong nagpauso ng pagbabayad sa mga mahihirap para lang makakuha ng suporta; buti na lang di kami kabilang sa kanila; salamat sa iyong komento; mabuhay ka!
Mag-post ng isang Komento