BALAKING AKLAT HINGGIL SA NUKLEYAR
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ang nasa larawan ang DRAFT Front Cover ng isang proyektong nais kong magawa, na pinamagatan kong "Mula Hiroshima Hanggang Fukushima". Sa pamamagitan ng mga tula ay suriin at ilarawan ang mga pangyayari hinggil sa paggawa ng nuclear bomb, hanggang sa epekto nito sa tao nang ibagsak ito noong 1945 sa Hiroshima at Nagazaki. Ano ang plutonium, ang uranium ore, ang nuclear arms race, Manhattan Project, saan nakatambak ang nuclear waste, ang paggawa ng mga bala mula sa nuclear waste at ginamit umano sa Vietnam War, ang mga bansang may mga nuclear bomb, tulad ng US, Rusya, Israel, India, Pakistan, ang pakikibaka laban sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), ang tsunami sa Japan na nagdulot ng malaking epekto sa mga nuclear facilities sa kanilang bansa, at iba pa. Ano ang ating kinakaharap? Paano natin mapipigilan ang pagsabog ng mga nuclear?
Ang aklat ay isang pagtalakay sa kasaysayan at nakakakilabot na epekto ng radyasyon ng nuclear sa tao, at maging sa ating kapaligiran at kalikasan? Nakakahinga na kaya ang lupa sa Hiroshima at Nagazaki? Ano ang epekto ng aksidente sa mga nuclear facilities sa Chernobyl at Three-Miles Island, at ngayon ay sa Fukushima? Ano ang epekto ng nuclear sa tubig, sa karagatan, sa ating pagkain, sa ating kalusugan? May balita pang ang nuclear waste na hindi makayang i-contain ng Japan ay maaring magtungo sa iba pang bansa, lalo na sa Pilipinas. Gaano ito katotoo?
Sakaling magkadigmaan muli, halimbawa'y isang nuclear bomb ang pinasabog sa kalabang bansa, iyon na ba ang wakas ng sangkatauhan? Sa ngayon, ano ang ating maiaambag upang mapigilan ang ganito? Ano ang ating magagawa? Ano ang magagawa ng pamahalaan at United Nations?
Sa pamamagitan ng mga tulang may tugma at sukat ay ilalarawan ng makata ang nasabing mga usaping liligalig at lumiligalig sa sangkatauhan. Ang nasabing aklat ay balak ilunsad sa Agosto ng kasalukuyang taon, sa ika-69 na anibersaryo ng pagbagsak ng bomba sa Hiroshima. Nawa'y maging matagumpay ang aklat na ito bilang isang kampanya laban sa salot na nukleyar.