Ang Sikat na Litrato ni Che
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Nalathala sa pahayagang Obrero, Blg. 30, Enero 2007, p.7, at sa librong "Che" na inilathala ng Aklatang Obrero Publishing Collective.)
May ilang nagsabi na ikalawa raw sa pinakapopular na imahe sumunod kay Kristo ang litrato ni Che Guevara, na kadalasang nakikita sa mga t-shirt, plakard, banner, magasin at mga libro. Pero paano nga ba naging popular ang litratong ito ng rebolusyonaryong si Che Guevara?
Noong 1960, pinag-usapan ang apat na piraso ng litrato ni Che na kuha ng mga kilalang photographer sa dyaryo. Ang isang litrato ay kuha habang dumadalaw siya sa kanyang dating kasama, si Dr. Vicente dela O, kung saan ang asawa nito’y kapapanganak pa lamang. Karga ni Che sa litrato ang sanggol, na nakatingin naman sa kanyang balbas.
Ilang linggo pagkaraan, habang nagtatalumpati, siya’y kinunan ng litrato ng isang Cubanong Tsino. Ilang taon pagkamatay ni Che, ang nasabing litrato’y tinawag na mahiwaga o mystical ng isang social realist. Sa litratong ito, nakatingala sa kawalan si Che, habang malabo naman ang background. Ang kanyang kanang kamay ay nasa silya, ang kaliwang kamay naman niya’y nasa kanyang baba, habang nakadikit naman sa kanyang ilong ang kanyang kalingkingan.
Tatlong araw pagkaraan, Marso 4, papunta na si Che sa bangko bilang tagapamahala ng Cuban National Bank, nang ang barkong Pranses na La Coubre ay sumabog sa pantalan ng Havana. Nagkakarga ito ng pitumpung toneladang Belgian weapons. Pitumpu’t lima ang patay at mahigit 200 ang sugatan. Nagpunta agad sa lugar ng insidente si Che upang tumulong sa mga survivors. Dito’y kinunan siya ng litrato ni Gilberto Ante ng pahayagang Verde Olivo, ngunit napagalitan siya ni Che dahil hindi raw tama na sa ganoong kamiserableng pangyayari magkukuha ito ng litrato.
Nang sumunod na araw, nalitratuhan si Che ni Alberto “Korda” Diez, photographer ng pahayagang Revolucion, habang dumadalo sa libing ng mga biktima ng pagsabog. Isang di kilalang lalaki ang nasa kaliwang bahagi ng negatibo, habang mga dahon ng punong anahaw naman ang nasa kanang bahagi. Tinanggal ni Korda ang ilang bahagi ng litrato at nagkonsentra sa malungkot na mukha ni Che, kung saan nakasuot si Che ng beret na may bituin sa gitna, nakasuot ng jacket na naka-siper hanggang leeg, habang ang kanyang buhok naman ay iniindayog ng hangin.
Ilang taon makaraan, natagpuan ng Italyanong publisher na si Giacomo Feltrinelli ang litrato sa bahay ni Korda at iginawa niya ito ng poster. Libu-libo hanggang milyon-milyong kopya ng poster na ito ng litrato ni Che ang kumalat sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ang pinakasikat na litrato ni Che, na nalagay sa mga pader, pabalat ng libro at magasin, banner, plakard, sombrero, bag, t-shirt, key chains, at iba pa.
Hanggang sa panahong ito, mahigit 40 taon na ang nakararaan, ay makikita pa ring ipinagbibili at isinusuot ng marami ang mga t-shirt at sumbrero na may larawan ni Che. Marami nga sa nagsusuot ng t-shirt na ito ay nag-aakalang si Che Guevara ay isang rock star, ngunit kung malalaman lamang nila kung sino si Che Guevara, tiyak na sila’y matutuwa. Minsan nga ay sinabi ni Che Guevara, “If you are capable of trembling with indignation each time than an injustice is committed in the world, you are a comrade of mine.” (Kung nanginginig ka sa galit kapag may inhustisyang nangyayari sa mundo, ikaw ay aking kasama.)
Pinaghalawan: librong “Guevara, also known as Che” ni Paco Ignacio Taibo II, na isinalin sa Ingles mula sa Kastila ni Martin Roberts

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento