Paano Naging Peke ang RP Independence Day?
Dokumento noong Hunyo 12, 1898, nagpapatunay na peke ang kalayaan ng Pilipinas!
ni Greg Bituin Jr.
Bakit kaya parang hindi ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan? Bakit parang balewala na sa marami ang pagdiriwang nito? Dahil ba ang bansa ay nangayupapa na sa altar ng globalisasyon? O may mga katibayan na nagpapatunay na peke nga ang kasarinlang ito? Dapat nga bang ipagdiwang ng bansa ang Hunyo 12?
Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 ang “kalayaan” ng Pilipinas. Dahil dito, tinagurian ang Pilipinas na unang nagkamit ng kalayaan sa Asya mula sa pananakop ng mga dayuhan. Ang pagdiriwang naman ng “Araw ng Kalayaan” tuwing Hunyo 12 ay idineklara noong 1962 ni dating Pangulong Diosdado Macapagal mula sa dating petsa ng “Araw ng Kalayaan” na Hulyo 4, ang ipinamigay na “kalayaan” ng mga Kano, at ngayon ay kinikilala naman na Fil-Am Friendship Day. Pero gaano nga ba katotoo ang sinasabing kalayaang ito at dapat ipagdiwang ang Hunyo 12? Totoo nga bang lumaya ang Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?
Ang pagkaunawa ko, dahil ito ang turo noon sa eskwelahan, at batay na rin sa mga makabayang nilalang sa bansang ito, pag sinabing kalayaan, ito’y kung wala nang dayuhang namumuno sa bansa, kundi pawang mga kababayang Pilipino na. Ganito ang depinisyon ng marami sa kalayaan, ang wala nang mga dayuhan sa sariling lupa at ang mga Pilipino na ang namumuno sa kanilang sariling bansa, kahit na ang namumuno ay mula sa naghaharing uri basta Pilipino, at di bale nang maghirap ang mamamayan, basta Pilipino ang mamumuno sa kanila. Mas nakapokus ang mga makabayan sa pagiging Pilipino, di bale nang maraming naghihirap at may kakarampot na nagpapasasa sa yaman ng bansa. Balikan muna natin ang sinasabi kong dokumento.
Isang dokumentong nilagdaan ng maraming Pilipino noong mismong Hunyo 12, 1898 ang magpapatunay na peke ang kasarinlan ng bansang Pilipinas na idineklara noong araw na iyon. Ang dokumentong iyon, na kilala sa tawag na Acta de Independencia, ay nilagdaan ng mahigit 90 katao. Ayon sa dokumentong iyon, lumalaya ang Pilipinas mula sa bansang España, kaya tapos na ang pananakop sa bansa ng mga pari, este prayle pala. Pero lumaya ang Pilipinas sa España upang magpailalim naman sa bansang Amerika. Ito ba ang kalayaan?
Narito ang patunay:
And having as witness to the rectitude of our intentions the Supreme Judge of the Universe, and under the protection of our Powerful and Humanitarian Nation, The United States of America, we do hereby proclaim and declare solemnly in the name by authority of the people of these Philippine Islands,
Ang dokumentong ito ay nasa orihinal na Kastila, at may translation sa Ingles. Maaari nyong tingnan ang kabuuan ng dokumento sa wikang Ingles sa:
http://www.msc.edu.ph/centennial/declaration.html
Ikalawa, ang mga kulay ng iwinawagayway na bandila ng ating bansa ay batay mismo sa kulay ng watawat ng Amerika bilang pagtanaw ng utang na loob ng mga kabig ni Aguinaldo sa imperyalistang bansang iyon. Bakit nila ito ibinatay sa kulay ng watawat ng America, at bakit kinakailangang isulat pa nila ito? Kung ganoon, hindi totoo ang mga itinuro sa eskwelahan na ang mga kulay ng watawat ng Pilipinas ay sumasagisag sa katapangan (pula), kapayapaan (puti), katarungan (bughaw), at dilaw ay (dilawan?) hindi ko na matandaan.
Narito ang patunay:
And lastly, it was results unanimously that this Nation, already free and independent as of this day, must used the same flag which up to now is being used, whose designed and colored are found described in the attached drawing, the white triangle signifying the distinctive emblem of the famous Society of the "Katipunan" which by means of its blood compact inspired the masses to rise in revolution; the tree stars, signifying the three principal Islands of these Archipelago - Luzon, Mindanao, and Panay where the revolutionary movement started; the sun representing the gigantic step made by the son of the country along the path of Progress and Civilization; the eight rays, signifying the eight provinces - Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and Batangas - which declares themselves in a state of war as soon as the first revolt was initiated; and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United States of America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation for its disinterested protection which it lent us and continues lending us.
Hanggang ngayon, ito ang salalayan ng kasarinlan ng Pilipinas. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang ating pamahalaan sa pangangayupapa sa Amerika. Mas okey pa nga sa gobyernong ito kunin ang naakusang rapist na si US marine Daniel Smith sa kulungan at dalhin sa US embassy basta huwag lang masira ang ugnayang RP-US. Hanggang ngayon, nakasalang ang bansang ito sa altar ng globalisasyon, sa dikta ng IMF-WB, GATS, na ang tanging nakikinabang lang ay ang mga mayayamang bansa. Hanggang ngayon, kailangang ang edukasyon ng bansa ay nakabatay kung paano maging OFW at call center agents ang marami nating kababayan. Hanggang ngayon, patuloy ang bansang ito sa pangungutang, na karamihan naman ay ilehitimong utang na hindi nagamit ng taumbayan, kundi ibinulsa lamang ng iilan. Hanggang ngayon … marami pa…
Ito ba ang klase ng kalayaang isinisigaw ng marami sa atin? Kelan pa ba magiging totoo ang kalayaang ito ng bansa?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento